Player Interview – Zechariah Sison

Zecharia Sison

Zechariah Sison, 21 y/o Opposite Spiker for the CSJL Knights

When did you start playing volleyball?
Nagsimula ako maglaro ng volleyball, incoming 2nd year highschool. And galing ako sa basketball then sa volleyball.

What inspired you to play volleyball?
Kasi both parents ko player talaga sila ng volleyball tapos tinanong nila ako kung gusto ko daw subukan mag volleyball kasi mas matutulungan ako ng parents ko and mas masusuportahan nila ako kasi alam nila yung sport and yun, tinry ko mag volleyball and natuwa naman ako.

What is the most difficult part of being an opposite spiker?
Mga patong play. Kasi ang opposite spiker, kami yung pumapatong sa mga play, kami madalas yung mga na-o-open block, so syempre medyo pressure samin kasi pag na-open block ka na, paminsan ang palo namin not over or outside, yun yung nagiging pinakamahirap na parte.

What is your favorite thing about being an opposite spiker?
Yun din, yung pinakamahirap, yung patong play, kasi more on open block na kami, paminsan wala ng sumasabay na blockers samin, yun yung pinakagusto ko ding parte sa position ko. Pag depensa ko sa open spiker ng kabila kasi alam naman natin lahat na ang pinaka-pinoporsyento ng team is yung open spiker. Yung yung pinakapaborito ko kasi dinidepensahan ko talaga yung alam ko na sa kanya talaga halos binibigay yung bola.

Who is your volleyball idol?
Yung parents ko, father ko and mother ko and also yung mga coaches ko. Father ko po kasi same kami, left handed, same kami ng pinanggalingan din ng school which is Letran. Sya po talaga yung bata pa lang ako sinasama na nya ako sa mga liga noon, so napapanood ko sya noon. Sya talaga naging idolo ko and syempre mga coaches ko. Naging idolo ko sila lalo na the way kung pano nila kami kausapin, pano kami i-motivate, and nakaka-inspire yung mga kwento nila, so naging idol ko sila.

What is your best advice for new volleyball players?
Wag kayong mag doubt kung pangarap nyo talaga maging volleyball player. Tandaan nyo lahat ng magagaling na player ngayon, nagsimula sila sa wala. Lahat ng masisipag, lahat ng malalakas, nagsimula sila sa wala. Araw araw pagkagising mo dapat may target ka na goal, may target ka ngayong araw. Itong araw na to mag-eensayo ako, magte-training ako ng maayos kasi gusto kong maging malakas, gusto kong maging sikat or gusto ko may marating ako sa pagv-volleyball. Dapat 100% sa training pa lang binibigay mo na yung buo, lahat kasi kung malakas ka sa training, mas maganda ipapakita mo sa loob ng court. And wag sila magsawa, wag sila maubusan ng pasensya. Lahat may proseso yan para mapuntahan mo yung goal mo, step by step yan para mapuntahan mo talaga kung nasaan ka.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Para sakin, sabay kasi yung aral and training. Pero dapat kasi may balance sa oras, balanse dapat schedule natin. Pag training, training. Pag aral, aral. Siguro ang pinakamahirap lang pagkatapos training, pasok. Kumbaga yung pagod lang. Yun lang siguro yung pinakamahirap as student athelete. Imbes na magpahinga kami, pumapasok pa kami, yun lang. Pero yung aral, siguro hindi, kasi after naman nito, hindi lang naman maglalaro lang kami, magt-trabaho pa rin kami.

What is your favorite class?
Major subjects ko kasi Business Management ako, siguro yung Business Plan. Yung paggawa namin ng sariling business. Gumawa kami ng sarili naming business which is Burger. Yung patty namin gawa sa banana burger, ang kagrupo ko dun yung isa naming ka-teammate, si Topher Cistina.

Where is your favorite place to relax?
Sa library kasi tahimik, malamig, nakakapag isip ako ng maayos and mas naiisip ko yung kailangan kong gawin, mas nakakapag aral ako, mas nakakapag isip ako pag may game kami.

What is your favorite food?
Marami e, hindi kasi ako pihikan, pero normally, sinigang, seafoods kahit may allergy ako, and vegetables.

Related posts

Leave a Comment