Player Interview – Timothy Eusebio

Timothy Eusebio

Timothy Eusebio, 21 y/o Open Spiker for the SSCR Stags

When did you start playing volleyball?
Grade 6.

What inspired you to play volleyball?
Yung totoo kasi, nainggit ako sa kapatid ko maglaro ng volleyball kasi nakikita ko syang nagt-training tapos hinihintay ko sya matapos. So ayun, parang na-amaze lang ako kasi ganun pala yung volleyball.

What is the most difficult part of being an open spiker?
Siguro yung iaasa sayo lahat kapag loose ball and break ball, sayo lahat. Automatic kasi sayo ibibigay kaya kailangan 100% malakas yung loob mong gampanan yung position mo.

What is your favorite thing about being an open spiker?
Di ko naman siguro napaborituhan, kasi nilagay lang ako dito so ginampanan ko lang yung trabaho ko.

Who is your volleyball idol?
Nung nagsisimula ako sa volleyball, ang idol ko si Leonel Marshall ng Cuba.

What is your best advice for new volleyball players?
Makinig lang lagi sa coaches, then, wag lalaki ulo. Kahit ano mangyari, isipin mo lagi kung saan ka nagsimula.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Siguro yung time management. Sobrang kailangan balansehin yung oras para makapag aral ka tapos ensayo pagkatapos kahit pagod ka, pipilitin mo mag aral.

What is your favorite class?
Siguro history.

Where is your favorite place to relax?
Siguro coffee shop. Malamig at gusto ko din uminom ng kape.

What is your favorite food?
Caldereta.

Related posts

Leave a Comment