Player Interview – Christian Segovia

Christian Segovia

Christian Joshua Segovia, 24 y/o Middle Attacker for the AU Chiefs

When did you start playing volleyball?
Nagstart ako maglaro ng volleyball, naging player ako 3rd year highschool. Pero bago ako maging player, naglalaro na ako sa kalye. Nag introduce sakin ng volleyball mother ko, tinuruan nya ko maglaro.

What inspired you to play volleyball?
Para makatulong sa pamilya ko, sa pag aaral, para libre na pag aaral. Tapos balang araw, matulungan ko pamilya ko.

What is the most difficult part of being a middle attacker?
Siguro mag block kasi pag di mo na-block yung opensa nung kalaban, syempre mahihirapan yung mga kakampi mo na kunin yung bola.

What is your favorite thing about being a middle attacker?
Yung pag block kasi masarap maka block pag malakas yung palo.

Who is your volleyball idol?
Yung coach namin sa volleyball kasi sya yung nagturo sakin kung pano ko mas gumaling sa volleyball tsaka pano ako lumakas.

What is your best advice for new volleyball players?
Maging masipag lang saka kung ano yung pangarap nila, paghirapan nila. Kasi hindi naman nakukuha ng madalian yun e, kailangan nila magpakahirap, magtraining ng mabuti, makinig sa coach, tsaka i-apply nila yung mga tinuturo sa kanila. Tsaka marunong dapat lumingon sa pinanggalingan nila, kung san sila nanggaling, sa pagiging mahina, hanggang sa lumakas.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Time management ang pinakamahirap. Kasi training, tapos pasok, aral. Syempre may mga project pa yan diba. Ngayon graduating student na ko, mahirap kasi madaming thesis, tapos sasabay mo pa yung training, tapos captain ball ka pa, e di lalong mahirap.

What is your favorite class?
Sa western cuisine, kasi favorite ko magluto.

Where is your favorite place to relax?
Sa mall or massage para makapagrelax.

What is your favorite food?
Sinigang tsaka adobo, basta lolo ko magluluto.

Related posts

Leave a Comment