Player Interview – Alfred Pagulong

Alfred Pagulong

Alfred Pagulong, 22 y/o Open Spiker for the MU Cardinals

When did you start playing volleyball?
Nagstart ako maglaro ng volleyball when I was in gradeschool, grade six. But tinigil ko sya pagdating ng highschool kasi nagfocus ako sa studies then bumalik ako nung 4th year, and then ayun tinuloy tuloy ko na sya hanggang sa nadiscover ako ng Mapua nung nakita ako naglalaro sa Makati.

What inspired you to play volleyball?
Yung coach ko. Actually yung coach ko galing Lyceum, kaso nung dapat hindi ako sa Mapua e, dapat nasa Lyceum ako, kaso hindi ako natanggap sa Lyceum so ngayon tong coach ko sabi maghanap na lang daw ako ng iba, kaso hindi naman ako pinalad nun sa UE, so yung Mapua mismo yung nag scout sakin.

What is the most difficult part of being an open spiker?
Yung times na pagdating sa balikan, porsyentuhan. Yung mind set ng setter puro open lang, ayaw nya sumugal sa quick, yun yung mahirap sa posisyon namin. Na lahat ng alas nasayo lagi, dapat lagi mo hawak yung alas. Kasi every time na kailangan nyo ng alas, kailangan gagamitin mo sya.

What is your favorite thing about being an open spiker?
Receive tsaka yung depensa. Kasi sakin sobrang importante, okay lang kahit hindi ako makapalo basta yung mga teammates ko nakakapalo dahil sa receive at depensa ko.

Who is your volleyball idol?
Yung coach ko nung highschool kasi sya yung nagpalakas sakin. Tinuruan nya ko kung pano itaas yung kamay, kung pano yung mga proper position. Kasi nagsimula talaga ako sa badminton, so yung kamay ko, sobrang baba pag pumapalo. Tinatakot nya ko nun na lalagyan nya ng kahoy yung braso ko kung hindi ko itataas, nung tinry ko naman, natuwa sya, tas eto na ko ngayon.

What is your best advice for new volleyball players?
Sana yung attitude at sportsmanship nyo sa mga players, dapat stay low ka lagi. Kasi ngayon, mga kabataan ngayon puro attitude nakikita ko sa website e. Kakaiba pinapakita nila e, dapat stay low ka lang, lowkey lang.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Yung time na pinapapili ka lagi ng prof mo kung yung game mo ba o yung exam. Kasi sobrang hirap e, may mga prof na ang hirap pakiusapan.

What is your favorite class?
Syempre yung major ko kasi sobrang nakaka-enjoy sya, kasi kapag gusto mo naman yung subject sobrang mag e-enjoy ka. So pinakamajor subject ko which is Educational Technology.

Where is your favorite place to relax?
Kahit saan basta mapuno, mahangin, may dagat.

What is your favorite food?
Wala ng ibang pagkain kundi ampalaya con carne.

Related posts