Player Interview – Justin Buno

Justin Buno

#8 Justin Buno, 20 y/o Libero of San Beda College

1. When did you start playing volleyball?
Nagstart ako magvolleyball nung grade 4. Nagstart ako kasi parang laro laro lang then nadiscover ako nung coach, saka lang ako nagstart sa try out then ayun nakuha naman ako so nagtuloy tuloy na hanggang ngayong college.

2. What inspired you to play volleyball?
Actually kasi nung time na yun, hindi pa sikat yung NCAA then UAAP pa lang talaga yung pinapanood ko and nangako ako sa sarili ko na one day maglalaro din ako sa court na yan. Then ayun, na-inspire ako, nag training ako, natuto naman ako, nagkaron ako ng chance maglaro nung high school, elementary nakapag-Palarong Pambansa din then ayun nabigyan lang ako ng chance nung nag-college kasi hindi naman ako ganon katangkad para makuha sa mga gantong school. Ayun lang, na-inspire ako sa ibang bata na gusto din nila maglaro, na magkaron sila ng chance na makalaro sa gantong team.

3. What is the most difficult part of being a libero?
Pinakamahirap lang i-handle yung pressure. Yung skills kasama na yun sa game, pero yung pressure kasi kung pano mo imo-motivate yung sarili mo para makapag-execute ka ng magandang play, magandang receive, so yun lang, mind over matter lang.

4. What is your favorite thing about being a libero?
Favorite ko sa posisyon ko kapag rally. hindi kasi ako yung tipo na… sa first ball ako mahina so bumabawi ako sa rally, sa mga digs ganun, sa coverage. Yun lang yung sa tingin kong pinaka-paborito ko sa position ko.

5. Who is your volleyball idol?
Si Melissa Gohing and Dawn Macandili ng La Salle.

6. What is your best advice for new volleyball players
Advice ko lang sa mga gusto mag-volleyball, hard work lang. Sa umpisa lang talaga mahirap tsaka pagdadaanan mo lahat ng stages kapag nag volleyball ka. Yung frustration, happiness tsaka pressure.

7. What is the most challenging part of being a student athlete?
Yung time management kasi you have to go to school and attend training and kailangan mo talaga i-balance yung time kasi mahirap. Magte-training ka sa umaga tas papasok ka ng tanghali hanggang hapon or minsan may training pa kayo ng gabi. You have to train twice a day para lang ma-meet nyo yung expectation ni coach na kailangan ganto yung ilaro nyo sa game.

8. What is your favorite class?
Favorite kong class is anatomy. Mahilig ako sa mga parts ng body, mga ganun. Naging interesado lang ako nung nag college ako kasi mejo nagkaron ako ng interest kapagka more on injuries, rehabilitation, ayun Anatomy ang favorite kong class.

9. Where is your favorite place to relax?
Sa mga coffee shop actually. Basta mahilig ako mag-coffee, gusto ko naaamoy ko yung coffee kapag stress na stress ako. Tas nakikinig lang ako sa mga music tas nag iisip ako, nagre-reminisce ako ng mga things na dapat kong gawin sa training, mga motivations, iniisip ko kung pano ko nagsimula dati. Masaya ako ng ganon.

10. What is your favorite food?
Pasta. Mahilig ako sa pesto na pasta. Minsan sa sobrang pagke-crave ko ng pasta kahit saan ako napupunta para lang maghanap ng pasta.

 

Related posts

Leave a Comment