#7 Bien Juanillo, 21 y/0 Open Spiker of Lyceum of the Philippines University
1. When did you start playing volleyball?
Nag start po ako nung 3rd year highschool sa Rizal Highschool po.
2. What inspired you to play volleyball?
Tinanong ako nung Tatay ko if I wanted to play volleyball because I have the height and also my body structures are for athlete.
3. What is the most difficult part of being an open spiker?
Ang pinakamahirap na part sa pagiging open spiker ay yung hindi ka pwede basta basta mag give up kasi nasa iyo lahat ng pressure kasi ikaw yung parang pinaka magdadala nung laro kasi ikaw yung parang magiging pinaka powerful spiker sa loob ng court.
4. What is your favorite thing about being an open spiker?
My favorite thing in being an open spiker is that being an open spiker sayo lahat ng bola at lagi kang may chance bumawi kasi pagka nagkakagulo na sa loob ng court, ikaw yung parang dapat na pinakamatapang kasi.
5. Who is your volleyball idol?
Ang pinaka idol ko sa volleyball world, si Alyssa Valdez po.
6. What is your best advice for new volleyball players?
Advice ko lang po sa mga beginners pa lang, sa mga nagsisimula pa lang mag volleyball, dapat kahit lagi kang nagfe-fail, kunwari, ano sa…syempre nagsisimula ka pa lang, dapat sumunod ka sa process, step by step. Wag mo mamadaliin yung paglakas mo kasi lahat dumadaan sa mababa.
7. What is the most challenging part of being a student athlete?
Mahirap sa pagiging student athlete yung ano, pag ma-manage ng time kasi syempre dapat bigyan mo ng oras yung school. Minsan kasi parang hindi mo nama-manage yung time mo, mas nagfo-focus ka sa paglalaro, kesa sa school. Karamihan kasi sa volleyball player kaya nagstart magvolleyball talaga para makapag aral pero minsan kasi nagiging ending, parang ang dahilan ng pag aaral nila yung pagba-volleyball talaga.
8. What is your favorite class?
My favorite subject is English.
9. Where is your favorite place to relax?
Sa bahay po ng bestfriend ko po, si Pia po, kasi kapag magkasama kami napag uusapan namin lahat ng problema, nakakapag-unwind kami tapos nagagawa namin lahat ng gusto namin.
10. What is your favorite food?
Actually, ano po, lahat naman po fave. Pag athlete kasi sobrang takaw e, halos lahat gusto kainin. Wala po akong favorite, lahat po halos.