#9 Charm Simborio, 20 y/o Utility Spiker of Colegio de San Juan de Letran
1. When did you start playing volleyball?
3rd year highschool po ako nung nag start ako maglaro ng volleyball.
2. What inspired you to play volleyball?
Hindi ko rin po alam e, basta po inaya lang po ako nung mga kaibigan ko na magtry magvolleyball then yun po, nagtuloy tuloy na po, minahal ko na po yung paglalaro.
3. What is the most difficult part of being a utility spiker?
Siguro yung sa depensa, mahirap kasi halos lahat ng bola sa open spiker ng kalaban napupunta so mas marami kang dinedepensahan dito sa opposite pati bina-block.
4. What is your favorite thing about being a utility spiker?
Syempre mas marami kang naba-block tsaka nadedepensahan parang mas nakokompyansahan ka kapag nakukuha mo yung mga bolang yun.
5. Who is your volleyball idol?
Kasi galing ako sa FEU, talagang nag FEU ako dahil kay Mica Morada kasi sobrang idol ko talaga sya e.
6. What is your best advice for new volleyball players?
Sipag lang tsaka tiyaga sa ensayo. Dapat hindi ka takot mahirapan kasi kapag mas nahihirapan ka mas marami kang matututunan tsaka mas mag-i-improve ka.
7. What is the most challenging part of being a student athlete?
Siguro yung pagtapos mong mag-ensayo papasok ka pa ng school pagod na pagod ka na, yung utak mo pati yung katawan mo parang minsan, mawawala ka na sa focus sa pag-aaral.
8. What is your favorite class?
Math class.
9. Where is your favorite place to relax?
Wala e, tulog lang po talaga ako ng tulog e, hahaha.
10. What is your favorite food?
Lahat. Lahat kinakain ko e, hahaha.