Player Interview – Joshua Ramilo

Joshua Ramilo

Joshua Ramilo, 18 y/o Opposite Spiker for the EAC Generals

When did you start playing volleyball?
Grade 7 po ako nung tinuruan ako ng mga kapatid ko, ng mga pinsan ko po. Tas sila rin po nagsabi na ipagpatuloy ko lang kasi may future daw po ako dito.

What inspired you to play volleyball?
Family ko na laging nandyan na support lang sakin para maging maayos yung laro ko, at tsaka sa oras na nada-down ako andyan lang sila para gabayan ako. Sila rin yung nagbibigay lakas sakin para maging isang tunay na atleta.

What is the most difficult part of being an opposite spiker?
For me, walang mahirap kasi lahat naman ng posisyon kayang gampanan ng isang atleta kung mamahalin mo ang pwesto mo.

What is your favorite thing about being an opposite spiker?
Yung pagiging isang mautak at madiskarteng manlalaro dahil pinagkakatiwalaan nila ako dito sa posisyon ko. Kailangan kong ibigay ang isang daang porsyento ko para mapatunayan sa kanila na kaya ko.

Who is your volleyball idol?
Si Espejo talaga kasi napaka-humble nya, malakas, maaasahan sa team.

What is your best advice for new volleyball players?
Work hard, train hard. Pagsikapan lahat ng mga bagay na tinuturo ng coach para sa kanila kasi dahil dun naman sila lalakas. Dahil din dito, magiging isang maayos na manlalaro sila.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Mahirap i-balance yung pag-aaral at paglalaro dahil minsan kakatamaran mong pumasok kapag tapos na ensayo nyo, dahil pagod na yung katawan mo, parang hindi ka na makagalaw ng ayos, gusto mong ipahinga yung katawan mo, pero kailangan pa rin pumasok dahil unang-una, grades ang basehan para makapaglaro ka ng volleyball.

What is your favorite class?
For me, Science, kasi mas mabilis ako matuto. Mas mabilis ko napag-aaralan yung mga dini-discuss ng mga teacher namin.

Where is your favorite place to relax?
USA kung saka-sakiling makapunta ako, para ma-unwind yung utak ko, maipahinga ko yung katawan ko, maging relax yung katawan ko para pagbalik ko dito ensayo ulit.

What is your favorite food?
Bicol express kasi dito ako ginaganahan kumain tapos ito laging niluluto sakin ng mga kapatid ko kapag nauwi ako galing Maynila.

Related posts

Leave a Comment