Player Interview – John Patrick Ramos

John Ramos

John Patrick Ramos, 21 y/o Utility Spiker for the UPHSD Altas

When did you start playing volleyball?
Nagstart ako maglaro ng volleyball grade five ako hanggang ngayon, last year ko na ngayon e.

What inspired you to play volleyball?
Nag inspire sakin para magpursige talaga ako maglaro ng volleyball yung nanay ko, kasi volleyball player yung nanay ko.

What is the most difficult part of being a utility spiker?
Pinaka-difficult na position ko ngayon kasi panibago ako sa posisyon ko, kasi kinonvert ako as utility spiker tapos naging captain ball pa ko, sa simula nahihirapan pa ko pero nung tumagal na, lumuluwag na, naa-adopt ko na yung trabaho ko.

What is your favorite thing about being a utility spiker?
Favorite thing ko sa position ko is masaya ako dito sa posisyon ko na binigay sakin ni coach kasi malaki yung tiwala nya sakin na mag-e-excel ako dito. Kaya ito yung naging isang paborito ko rin na posisyon.

Who is your volleyball idol?
Yung setter talaga ng Brazil, gustong gusto ko talaga yun, magaling kasi talaga. Sa volleyball kasi ang magdadala talaga setter talaga, yun yung iniidolo ko.

What is your best advice for new volleyball players?
Kailangan lang talaga dumaan sila sa hard work talaga, para makamit nila yung gusto nila, yung goal nila.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Mahirap maging student athlete kasi syempre kailangan mo pa rin ng time management, kasi mag aaral ka pa, magte-training ka pa tapos derecho pasok. Lalong lalo na pag may exam, mahihirapan ka.

What is your favorite class?
Yung isang paborito ko talaga is yung Entrep ko, kasi yung prof ko dun napakabait, marunong sya umintindi ng isang atleta.

Where is your favorite place to relax?
Sa kwarto lang, lalo na pag mainit yung ulo ko, masakit yung katawan ko, pagod ako sa training, gusto ko talaga humiga lang, ayoko madistorbo para makapag isip ako.

What is your favorite food?
Lechon, yun talaga paborito ko talaga kasi simula pagkabata yun palaging handa sa bahay, ayun yung nami-miss ko din na pagkain na hindi ko na medyo nakain dito sa Manila, kasi mahirap, mahal.

Related posts

Leave a Comment