Player Interview – Angeline Magundayao

Angelie Magundayao

Angeline Magundayao, 20 y/o Middle Blocker for the MU Lady Cardinals

When did you start playing volleyball?
Nagstart ako mag-volleyball nung elementary ako, grade six or grade five ata then nag stop ako hanggang 3rd year highschool kasi nahiya ako sumali nung sa La Salle Lipa and then nung 4th year, finally na-push na ko ng mother ko na mag try out and then luckily nakasama ako sa STACAA and then nag-Palaro ako nung 2014. So yun, nagtuloy-tuloy na.

What inspired you to play volleyball?
Yung mom ko kasi volleyball player din sya and then simula 1st year to 3rd year highschool pinipilit na nya ko na sumali nga sa De La Salle Lipa na team and parang nahiya ako, so i think yun din yung isa sa mga regret ko, bakit di ako nag try nung 1st year pa lang ako.

What is the most difficult part of being a middle blocker?
Kasi pag middle, habol ka lagi ng habol sa lahat ng spikers diba, so pag may mga magagandang play yung kalaban, pag tumalon ka sa gitna, tas biglang binato sa open, syempre kailangan mo humabol. So ayun, medyo minsan nahirapan din ako mag-adjust dun. Kailangan talaga magaling ka magbasa nung mga play.

What is your favorite thing about being a middle blocker?
Pag may free ball, matic na na sayo ibibigay. So pag napatay mo yun, parang masarap din sa feeling and then syempre pag nakaka-block ka. Ayun yung mga favorite part ko sa position ko.

Who is your volleyball idol?
Wala akong specific na idol pero yung mga hinahangaan ko na players yung mga international team kasi makikita mo talaga sa kanila kung pano sila mag-push sa laro, kung pano nila i-push yung sarili nila sa game, lalo na sa mga crucial sets. So makikita mo talaga na gustong gusto nilang manalo and yung heart nila sa team.

What is your best advice for new volleyball players?
Syempre, lalo na ako nung una, mahirap pag dito sa Manila, so kailangan talaga ng big adjustment. So ayun, adjustment lang and konting time tsaka patience kasi hindi naman agad peak yung laro mo, so tyaga tyaga lang.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Lalo na sa Mapua kami pumapasok, apat na term, pinakamahirap talaga kung paano mo iba-balance yung time mo sa pag-aaral and sa paglalaro. Syempre, student athlete, mauuna yung pagiging student kesa sa athlete so dapat mas priority mo yung pagiging student mo. Mahirap din kasi sa Mapua kasi halos 3 months lang sa isang term, pagkakasyahin mo lahat ng subjects mo. So kailangan mo talaga na i-balance yun lahat.

What is your favorite class?
Nag enjoy ako sa mga humanities class ko, more on donating and writing paper. So yun yung mga humanities and social sciences class, yun yung favorite class ko.

Where is your favorite place to relax?
Mostly nasa dorm lang ako or minsan tumatambay sa walls ng Intramuros, or minsa sa bahay kapag nakakauwi.

What is your favorite food?
Syempre sinigang kasi masarap sya, maasim.

Related posts