Player Interview – Chenae Basarte

Chenae Basarte

#1 Chenae Basarte, 16 y/o Setter for Hope Christian High School

When did you start playing volleyball?
Nag start po ako nung grade 4.

What inspired you to play volleyball?
Nag inspire ako sa ate ko kasi nauna sya maglaro nung bata ako so parang na-convince din ako na maglaro .

What is the most difficult part of being a setter?
Mahirap po position ng setter talaga kasi ikaw po yung nagdadala ng laro e, ikaw gumagawa ng play, ikaw nagde-decide kung anong play mo and ikaw talaga yung nagdadala ng laro.

Who is your volleyball idol?
Sa ngayon po wala ako iniidolo pero nung nag ASEAN po ako may mga nakita lang ako magaling maglaro, mga setter dun sa Thailand.

What is your best advice for new volleyball players?
Makinig lang sila sa coach nila and gawin lang nila yung best nila and sipag at disiplina sa sarili.

What is the most challenging part of being a student athlete?
Mahirap talaga ipag-balance pag student athlete lalo na pag cramming ka, lalo pag exam nyo na tas may liga, pero kailangan mo pong i-balanse talaga kasi player ka tapos sa coach namin kailangan mag aral kasi yun talaga pinaka-una.

What is your favorite class?
P.E. po kasi may volleyball tapos Music kasi masaya din, nakaka enhance ng talent mo.

Where is your favorite place to relax?
Hindi naman po kami lumalabas ng team kasi lagi lang naman po kami nagte-training, so sa Gym lang po kasama teammates and sa dorm. Masaya kasama mga teammates ko, nagbibiruan.

What is your favorite food?
Madami, pinaka is chocolate.

Related posts

Leave a Comment