Player Interview – Maria Shola Alvarez

Maria Shola Alvarez

#11 Maria Shola Alvarez, 20 y/o Open Spiker of Jose Rizal University

1. When did you start playing volleyball?
When I was young talaga nagstart ako mag-volleyball pero yung carreer ko umusbong sya nung 3rd year high school ako. Then dun na nagstart na nag NCR Palaro, hanggang sa kinuha na ko ng JRU.

2. What inspired you to play volleyball?
Syempre, unang una yung family ko, syempre sila yung unang inspiration ko sa paglalaro ng volleyball. Then yung passion ko sa paglalaro.

3. What is the most difficult part of being an open spiker?
Unang una, open spiker ka, yung team parang sayo nakatingin, parang ganon. Kasi pag walang magandang reception, automatic sa open spiker ibibigay. Yung pinakamahirap na part dun is yung kailangan malakas ang loob mo na kahit pangit yung reception, or pangit yung set kailangan buong loob mong papaluin yung bola.

4. What is your favorite thing about being an open spiker?
Kapag yung team pinu-push ako as open spiker na kailangan once na binigay sayo yung bola, ikaw yung magpapatay nung bola na yun. Yun yung pinakagustong part ko na parang ang nangyayari, tinutulak ako ng mga teammates ko, na minomotivate nila ko na kailangan gawan ko ng paraan yung bolang ise-set sakin.

5. Who is your volleyball idol?
Simula nung nagstart talaga ako mag volleyball, Alyssa Valdez na, parang kinalakihan ko si Alyssa Valdez. Parang lumaki ako sa volleyball na sya na talaga yung pinaka-idol ko, parang sya na yung pinaka unang kinilala ko talaga na volleyball star, so sya talaga yung idol ko.

6. What is your best advice for new volleyball players?
Just pursue your passion kasi kapag passion mo talaga yung volleyball at kapag minahal mo yung volleyball talaga dun mo makikita na..kasi ako nag start ako magvolleyball nung una nahihirapan ako kasi madami syang kasabay, parang ako, mas minahal ko yung volleyball so yun yung naging way ko para mas makilala sa volleyball.

7. What is the most challenging part of being a student athlete?
Syempre time management talaga, yun yung pinakapagsubok saming mga student athlete, time management . Samin kasi, umaga school, then pagdating ng gabi, training, tas kinabukasan ganun ulit, school, then training. Yung isang buong buwan namin, dun lang sya umiikot, sa paglalaro tsaka pag aaral lang. Kasi mawawalan ka din minsan ng time sa family mo, sa sarili mo din mawawalan ka ng time kasi kailangan mo mag aral, kailangan mo mag training.

8. What is your favorite class?
Science talaga yung gusto ko tsaka mga history, yun yung mga gusto kong subjects.

9. Where is your favorite place to relax?
Beach talaga lalo na sa mga virgin island, sa mga wala pa masyadong tao. Parang dun ko kasi nakikita sarili ko na makakahinga ako ng malalim, wala ako masyado iniisip. Kapag pumupunta ako ng beach, ang nagiging mood ko lang is masaya lang ako, wala akong ibang iniisip. Ang nangyayari sakin nare-relax ako.

10. What is your favorite food?
Madami…carbonara then fries..kwek kwek, yun talaga yung pinaka favorite ko lalo na before training. Before training kailangan makakain muna ko ng kwek kwek kaso minsan kasi nagkakaproblema kasi may class, after ng class ko derecho training so hindi na ko nakakabilli ng kwek kwek, ganun, parang…wala lang, ang sad lang.

Related posts

Leave a Comment