Player Interview – Lourdes Clemente

Lourdes Clemente

#5 Lourdes Clemente, 23 y/o Middle Blocker of University of Perpetual Help System DALTA

1. When did you start playing volleyball?
Nagstart ako mag volleyball since high school pero laro laro lang sa kalye and natuto ako nung 1st year college sa Perpetual, dun ako natutukan, dun ako tinuruan ng mga coaching staff namin and expected naman na dahil sa pagpupursige ko talagang gusto kong matuto, talagang binigay ko lahat, lahat lahat para matuto ng volleyball.

2. What inspired you to play volleyball?
Na-inspire ako maglaro ng volleyball since nung high school ako kasi parang nakikita ko sa TV na sikat nga sila and parang gusto ko din ng ganun, parang gusto ko din na ako yung nandun, parang dun ako humugot ng lakas ng loob na parang gusto ko rin maging ganun. Hindi lang gusto ko lang matuto, gusto ko rin talagang maglaro ng volleyball since high school ako. And yung mama ko nga, sya yung naging inspirasyon ko sa lahat ng achievement ko sa buhay and kung nasan man ako ngayon dahil utang na loob ko yun sa mama ko dahil sa kanya sya yung nagbigay ng lakas ng loob, sya yung nagbibigay sakin ng motivation, everyday, every training, every game, kung saan man yung ligang nasasalihan ko and sa kanya ako lahat, as in sya, para sa kanya lahat ng paghihirap ko.

3. What is the most difficult part of being a middle blocker?
Para sakin pinakamahirap na part is actually for me lahat e. Lahat ng position madali kasi lahat kayo may kanya kanyang trabaho, may kanya kanyang dapat gawin, na kung ano yung sayo. Ang pinakamahirap na part is kung pano kayo magiging buo sa loob ng court na iba iba ang attitude lalo na sa babae. Kasi yung attitude kasi ng bawat isa sa loob ng court is magkakaiba lalo na yung sa mood ng babae paiba iba yung mood nila, mood swing. Parang yun yung pinakamahirap para samin kasi actually lahat kami years na naglalaro ng volleyball kaya walang dahilan samin para wala saming masasabing mahirap na trabaho kasi para samin madali na lang yun kasi years na kaming naglalaro. Ang pinakamahirap na part na lang para sakin is kung pano kami magje-jell sa loob, kung pano namin mabubuo yung talagang team work sa loob, pano kami mag eenjoy, and kung pano kami mabubuo.

4. Who is your volleyball idol?
Simula nung nagstart ako mag-volleyball ang naging idolo ko si Dindin Santiago-Manabat. Sa kanya parang, gusto ko kasi para sa sarili ko ayoko lang masabi na kaya lang ako naglaro kasi matangkad ako. Ayokong sabihin sakin na matangkad lang ako and gusto ko sabihin sakin na hindi lang ako matangkad, na hindi lang ako marunong. Talagang gusto ko lahat ng gusto ko ng marating sa buhay, parang gusto kong sabihin sayo na hindi ka lang matangkad, gusto ko rin masabi sa sarili ko na magaling din ako, na gusto ko rin maging ganyan, na dahil kay ate Din, parang gusto ko din maging kagaya nya.

5. What is your best advice for new volleyball players?
Ang mabibigay kung advice sa mga bagong player, work hard, matuto silang tumungin sa pinanggalingan nila and wag silang makukuntento sa kung anong meron sila. Dapat kung ano yung nararanasan nila ngayon dapat dagdagan pa nila ng dagdagan.

6. What is the most challenging part of being a student athlete?
Ang pinakamahirap sa student athlete is yung time management, kasi sobrang hirap as an athlete syempre almost everyday, lalo na pag game, the whole day kang maglalaro. Minsan yung oras ng klase mo nasasakop na ng athletics, so parang for me naman as an athlete sobrang hirap talaga sa time management kasi hindi na kami nakakapag-focus sa pag aaral, kasi lalo na ngayon, season, so yung mga studies namin, napapabayaan na namin. Pero syempre after naman ng season is kailangan namin bumawi. Pero karamihan sa mga professor namin is ang hirap ngang humabol kasi sobrang strict, kailangan perfect, ganon. Pero para sakin naman, wala naman madali e, kung talagang gugustuhin mo.

7. What is your favorite class?
Halos lahat naman e gusto ko. Kasi as a tourism student nga, parang mahilig akong magtravel kung saan saan, inside and outside the Philippines, so parang sakin, lahat, halos lahat ng major ko talagang gusto ko kasi yung course ko is talagang love ko e, talagang gustong gusto kong mag travel, talagang gusto ko, talagang wala akong paborito kasi lahat sila gusto ko.

8. Where is your favorite place to relax?
Gusto kong pumunta sa…sakin kasi hindi naman kasi ako ganon kayaman para sakin kahit saan okay lang sakin magpunta basta kasama ko yung family ko. Kasi para sakin makita ko lang na masaya yung family ko talagang narerelax na ko. Kaya para sakin walang lugar na makakapag relax kahit saan ako pumunta kasama ko yung problema ko e. Para sakin kahit makasama ko lang yung family ko talagang relax na relax na ko kasi sila yung inspiration ko sa lahat ng paghihirap ko ngayon.

9. What is your favorite food?
Ang favorite food ko is fries and ice cream tsaka buko salad. Yun yung favorite kong kainin palagi lalo na pag new year, christmas, talagang yun yung pinaka-favorite kong kainin.

Related posts

Leave a Comment