Player Interview – Angela Bondoc

Angela Bondoc

#7 Angela Bondoc, 20 y/o Utility Spiker of Jose Rizal University

1. When did you start playing volleyball?
I played since grade 5. The first time I tried is… I tried out, nag try out ako nung grade 5 and then parang hindi sya nag click agad. Sabi ko siguro by next year na lang and then every year nagta-try ako. Pero siguro pinaka nag start ako maglaro ng volleyball highschool na.

2. What inspired you to play volleyball?
Syempre family ko kasi syempre sa paglalaro ng volleyball nakakatulong ako makabawas ng tuition and syempre passion ko na din. Gusto ko na din. Tsaka sports ko talaga sya.

3. What is the most difficult part of being a utility spiker?
As an emergency setter kasi syempre kapag utility spiker ka, kapag nakakuha ng first ball yung setter, ikaw yung inaasahan ng teammates mo na magse-set nung play. So syempre, minsan, hindi mo gamay yung bola, minsan dumidikit sa net kaya para sakin yun yung mahirap na gawin.

4. What is your favorite thing about being a utility spiker?
Lahat siguro. Kasi masaya magcover ng bola kapag may spiker na pumapalo. Coverage, yun yung gusto kong ginagawa sa position ko.

5. Who is your volleyball idol?
Alyssa Valdez. Siya talaga.

6. What is your best advice for new volleyball players?
Pray hard tsaka play hard. Pray hard and play hard kasi kapag pi-nush mo talaga yung sarili mo sa gusto mo, magagawa mo sya.

7. What is the most challenging part of being a student athlete?
Siguro yung pagsabay sabay yung mga homeworks, projects, research papers, yun yung mahirap e, tapos yung training pa, may games pa, kailangan mo talaga maging magaling sa pagba-budget ng time mo.

8. What is your favorite class?
Well, siguro English and Math.

9. Where is your favorite place to relax?
Dorm! syempre.

10. What is your favorite food?
Sinigang na baboy.

Related posts

Leave a Comment